Bakit nga ba tayo nasasaktan?
Nasasaktan tayo dahil madalas nag aassume tayo, nagkakagusto tayo sa taong hindi naman tayo gusto, naiinlove sa mga taong imposibleng mapansin ka, naiinlove sa taong hanggang friends lang ang tingin sayo. Tapos lahat nahahantong sa selos, kalungkutan. Pero normal lang naman ang masaktan kase nagmamahal ka. Lahat tayo makakaranas non sa tuwing magmamahal.
Pero kung ayaw mo naman sa pakiramdam na ito, antayin mo nalang ang tamang panahon. Makikilala mo rin ang taong nararapat sayo. Kasi madalas kaya tayo nasasaktan dahil hanap tayo ng hanap ng mamahalin. Wag magmadali. Don’t find love, let love find you
KUMUSTA BUHAY SINGLE?
So, ayun. Marami-rami rin sa mga kaibigan ko ang nagtatanong sa akin kung kumusta nga ba talaga ang buhay single ko. Some, I answer but incomplete and some I ignore and change the topic. So, kumusta nga ba ang buhay single ni watashi?
2 years and 5 months na akong single. Truth be told, I think I still like the fact that I’m single. Sa totoo lang, dahil sa ang tagal (daw) ko ng di nararanasan ang maging committed o maging in a relationship, parang nakalimutan ko na kung ano mismo yung feeling ng ma-inlove. Yung head over heels, handang magpakabaliw, masaktan at magpakamartyr type. Yung lahat na mismo ng package when it comes to falling in love, medyo nakalimutan ko na. Malamang sumabay siguro sa paglimot ko ng mga yun ang kabitteran ko. Ewan ko ba. Sa sobrang nabalutan kasi ng poot at hinagpis ang
pusoko nung last time na masaktan ako (di pa in a relationship yun), eh parang naging hobby ko pa mismo ang maging malungkot at magbitter. Isa ako sa mga taong naging ganun ang reaksyon sa mga ganung pangyayari sa buhay. Nagulat din ako sa sarili ko at kaya ko pala mag-ganun. Full force pa kung may pagkakataon. Sa kabitteran kong yun, minsan eh nagawa ko pa maging insensitive bitch. Syempre, pag mainit ulo, kapag nakaramdam ng sakit, worse, kapag nagsama pa yung dalawa eh di ko na minsan naiisip o napag-iisipan pa yung mga lumalabas sa bibig ko.
Sa totoo lang, minsan, namimiss ko rin ang magkaboyfriend. Hindi ko maipagkakaila na habang nanonood ako ng mga chick-flicks tapos mga romance ang genre na mga Koreanovela, ay kinikilig ako. Pero sa likod ng mga kilig na nararamdaman ko eh naiisip ko rin minsan na sana may gumaganun sa akin. Yung tipong may hahalik sa noo ko, maghahatid sa akin pauwi, may mag-a-I love you ng wagas at iba pa. Pero siyempre, higit na inaasam-asam ko na sana makakita ako ng taong hinding hindi ako kayang iwan at lokohin. Masyado ko na kasi natikman ang kapaitan ng panlilinlang at pag-papaasa. Ayun, naiinggit pa ako minsan sa mga kaibigan ko sa tuwing kasama nila ang mga kasintahan/boyfriend nila tapos wagas pa maglambingan sa harap ko. Shet! Parang naghahalo-halo nga emotions ko pag ganun. Yun bang di mo malaman kung kikiligin ka, maiinggit o maiinis o matutuwa or what. Masayang-masaya naman ako sa piling ng mga kaibigan ko, (lalo pa’t karamihan sa kanila’y mga dudes) pero syempre, iba pa rin ang kalinga ng boyfriend sa bestfriend na lalaki na sweet at affectionate.
So kumusta nga ba ako sa pagiging single? Over-all, I’m fine. Pero may isang bagay lang talaga na humahadlang sa akin para tahakin ulit ang landas ng pakikipagrelasyon o umibig, at yun ay ang takot. Oo. T-A-K-O-T. Bullshet yan. Yun bang sa isang iglap eh mararamdaman mong parang inlove ka na at willing na atang bigyan ng chance ang love tapos sa isang kisapmata, biglang takot ka ulit. Skerd, ika nga ng iba. Hahaha! (Sigh) Di pa talaga eh. Hindi pa ako handang buksan ang puso ko para sa iba. Bukod sa takot akong masaktan ulit, maiwan, maloko, etc., eh marami pa akong ibang mga bagay na iniisip na sa tingin ko nama’y mas importante kaysa sa pag-ibig o pakikipagrelasyon. Bukod dun eh medyo over-analytic ako minsan kaya lumalabas na OA na ako minsan mag-isip. Pag ito talaga topic, sa sobrang dami ng gusto mong sabihin, parang akong isang napakalaking ref na tinadtaran ng maraming magnets at kung anu-ano pang palamuti sana na hindi naman maayos ang pagkakalagay kaya ang gulo. Isa pa, hindi rin naman ako nagmamadali. Naniniwala pa rin kasi ako sa “The right love at the right time”. Ayoko ring mapagpalit ang love sa infatuation. Magkaiba kasi ang dalawa at isa sa mga yan minsan ay may kakayahang manlinlang kapag hindi mo pa ito inungkat at pinag-isipan pa mismo. Ako rin yung tipo ng tao na hindi basta-basta pumapatol sa kung sino mang magpakita ng motibo sa akin. Ayoko sa fling. I even abhor the term itself. Para sa akin, isang napakaganda at napakamahalagang bagay ang commitment. Kaakibat na dun syempre ang loyalty, faithfulness, perseverance at iba pang mga birtud (virtue).
Sinabi ko sa sarili ko na mukhang gagraduate ako ng kolehiyo nang walang anumang relasyong may kinalaman sa pag-ibig o pagboboypren o what. 4 years mahigit na siguro akong single nun. Pero kung mangyari mang magawa kong buksan ulit ang puso ko, go lang. People always do crazy things when they’re in love. And I think I might be crazy enough if I were to allow myself to feel that again. Crazy enough to let pain enter once again in my life. Eh di magiging bestfriend ko na naman si Pareng Kitsa. =))) Hahaha! Alam ko namang marami akong nasasaktan dahil sa katigasan kong ito. Pero sana maunawaan din nila ang pinagdadaanan ko. Hindi ko kayang ibigay o ialay sarili ko o puso ko kung sa sarili ko mismo eh nakukulangan pa ako. If I can’t or don’t love myself enough, that doesn’t give me a justifiable or valid reason to love someone else. I’d let them love me still, but isa pa rin naman masasabi ko dyan. Ayoko pa rin. Ayoko muna. Wag muna. Di pa ako handa. Alam kong mauubusan ako ng mga taong handang maghintay para sa akin. Pero naniniwala akong nandyan lang yung taong para sa akin. Ako lang talaga tong siraulo na ayaw makipagkita sa kanya kasi wala pang panahon. Ako lang talaga tong naipit sa traffic, kulong sa kotse samantalang yung taong yun siguro ay nasa Luneta… Naghihintay sa akin.
Sa ngayon, masaya ako sa tamang crush o paghanga lang. Gaya na lamang ng may isa akong taong hinahangaan na taga UP Diliman. Haha! Ngunit, pero, datapwat, subalit, hanggang dun lang. Mag-aaral at magpapayaman na muna ako. Nang sa ganun, ay maalagaan ko ang pamilya ko pa at makabawi sa mga kaibigang tumulong at hindi nang-iwan sa akin. So sa mga nagtatanong sa akin kung kumusta buhay single… Well, it doesn’t suck. I have more time for myself, family and friends. I am sort of free from experiencing the kung-ano-man-mga-dramang-nararanasan-ng-mga-magjowa dyan. Hahaha! I’m single, but waiting. Waiting patiently. That’s all I could afford to do now. ;)
WOW. NAGAWA MONG UMABOT SA PUNTONG ITO? SHET. SALAMAT SA ORAS. HAHAHA! :* PAYAKAP! >:D< At kung gwapo ka, pakissssss! HAHA! Joke lang. =))))) ;)
(Source: theonlythingthatgivesmeeuphoria)
Mag Bestfriend na nauwi sa pagmamahalan.
Marami ang nakakaranas nito, lalo na kapag opposite sex mo ang bestfriend mo, minsan napagkakamalan kayong “kayo”. Minsan mas sweet pa kayong dalawa sa mga taong may relasyon na mismo, nagagawa niyo ng malaya ang gusto niyo, nakakausap pa rin ang ibang tao, yung atensyon lagi niya nasayo kahit wala namang “kayo” pero dahil nga mag bestfriend kayo.
Masarap lambingin ang bestfriend na opposite sex, parang ito ang nag fifill up ng space ng loneliness ng isang tao, yung mga taong hindi handang makipagrelasyon pero may bestfriend siya na gumagawa para doon.
Pero alam mo ang dyahe dito? Kapag yung isa eh bestfriend lang talaga ang turing sayo, pero yung isa eh nagmamahal na pala. Dito nagkakaroon ng conflict sa isat-isa. Matatanong ka ng isa kung may problema ba dahil bigla ka na lang tumatahimik kapag nagkwekwento siya sa taong gusto niya.. sa taong mahal niya tapos ikaw tong akala mo dinalaw ng Semana Santa ang mukha dahil sa nag uumpisa ka ng mag selos at gawing big deal lahat ng maliliit na bagay na ginagawa niya.
Nag eexpect ka kahit hindi ka naman dapat mag expect, may mga bagay kang iniisip na hindi pwepwede kasi nga yun lang ang kaya niyang ibigay, na ayun lang naman talaga ang napag-usapan, kumbaga hindi kasama sa bestfriend na forever contract ang mga bagay na gusto mong mangyari.
Minsan kapag may nag-iisip na i “NEXT LEVEL” na ang pagkakaibigan, 50 50 yan. Maaring hindi, maaring oo. Madalas kapag may nagtanong na nito, madalas nasisira ang pagkakaibigan, nagkakatampuhan, nagkakasumbatan.
Ang bestfriend pala talaga eh bestfriend lang talaga.
Ang bestfriend yung taong nasa likod mo palagi sa oras na nagmamahal ka ng iba.
(Source: matabangutak)
Bilang kaibigan, madalas mong natatanong sa sarili mo na
” Ilang beses ko na kayang sinasalo ang luha ng taong gusto ko? Ilang beses na kaya ako nagtitiis na hindi masaktan kapag patuloy siyang nagkwekwento na nasasaktan siya sa taong mahal niya? Habang siya naman tong mahal mo?”
Para bang sa tuwing dadalawin siya ng ulan.. Gusto mo magdala ng payong para hindi ka masaktan.. Pero wala kang magawa, dahil sa tunay na tao at kaibigan ka, sasabayan mo siyang mabasa sa ulan.. Sasabayan harapin ang problema.. Ikaw ang magsisilbing payong niya. Ikaw ang magbibigay ng payo.. Ikaw ulit ang magpapakatanga ng onti, at higit sa lahat ikaw na naman tong magbibigay ng pag-aalaga sa kanya. Kahit na naalala ka lang niya halos kapag nag-aaway sila.
Minsan siguro ganun na lang talaga ang buhay. May mga bagay kang hindi makukuha. May mga bagay na hanggang dun na lang.. Kasi binuhay ka, para samahan lang siya pansamantala.. Dahil nakalaan siya para sa iba….
Paano daw malalaman kapag malapit ng matapos ang isang relasyon?
Malalaman mo naman na matatapos na ang inyong relasyon kapag hindi na kayo tulad ng dati. Kapag lagi na kayong nag-aaway. Tipong mas marami na yung away kesa sa bati. Tapos nagagawa niyo ng tiisin ang isat-isa. Tipong wala ka ng pakialam kung may hindi mag text ng isang araw. Kawawa dito yung taong sobrang nagmamahal. Hindi masyadong masasaktan sa relasyong ito yung na fall out of love. Kasi dumating siya sa point na biglang nawala yung pag-ibig niya eh.
Kapag ganun at nakakahalata ka na, kung kaya mong ayusin. Ayusin mo, hindi ako makakapagpayo ng kung ano ang dapat mong gawin dahil kayo ang nasa relasyon. Kayo ang may alam ng istorya niyong dalawa. At kapag ginawa mo na ang lahat ng magagawa mo at wala pa rin. Ihanda mo na ang sarili mo na anumang araw eh maari siyang mawala sayo.
Huwag mo dadamdamin ito. Parte ito ng buhay kapag umibig ka. Hindi naman kasi laging masaya ang kahihinatnan kapag nagmahal ka eh. Nagmamahal ka at nasasaktan para matuto ka. Para sa susunod, mas alam mo na ang gagawin mo, mas maalagaan mo ang relasyon niyo at ang sarili mo. Tandaan mo yan.
(Source: matabangutak)
Para sa may mga taong may relasyon na pinagseselosan ang kaibigan.
Normal lang naman na may mga kaibigan yang relasyon niyo, wag niyong ikulong sa kahon, pumasok yan sa relasyon para mahalin mo, hindi para gawing preso. Oo nandun tayo sa selfish ka pag dating sa kanya. Pero what the actual fuck na pagbawalan ang mga kaibigan kausapin siya? Wala ka pa sa buhay niyan may mga kaibigan na yan. At kapag nag-away kayo, malamang na ang tatakbuhan niyan eh kaibigan. Lalo na kung hindi pa naman kayo legal. At kahit legal, bihira mag open ang mga tao sa mga magulang nila. Kasi ayaw nilang mapasama at ayaw nilang magsabi ng problema kung mababaw lang naman yung pag-aaway.
Yung mga kaibigan yung nag-alaga sa taong mahal mo nung mga araw na wala ka pa. Kaya wag kang madaya diyan. Inalagaan namin yan para hindi saktan at hindi bigyan ng problema at bibigyan mo ng option mamili kung ikaw o mga kaibigan niya.
Pagselosan mo yung mga kaibigan na pansin mo eh sobra ng manlandi. Yung mga kaibigan na hindi marunong dumistansya. Pero yung mga kaibigan na minsan lang nakakasama at wala namang motibo na mang agaw. Paubaya mo naman kahit mnsan. Hindi yung pagbabawalan mo siya sa mga kaibigan niya, tapos ikaw naman eh kasama mo eh puro kaibigan mo din. Wag ka maging unfair sa kanya. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo. Oo mahal ka niya, pero di nangangahulugan na hindi niya rin mahal ang mga kaibigan niya.
(Source: matabangutak)
Aasa ka ba o Lalayo?
Kung lalayo ka at sa paglayo mo naman eh patuloy ka namang aasa, umasa ka na lang. Sa tingin ko naman walang masama sa umasa eh, syempre pwede ka naman umasa habang nag hihintay din ng bago eh. Yung tipong tatanggapin mo sa sarili mo na medyo malabo na dun sa taong hinihintay o sabihin na nating “taong umaasa ka” habang naghihintay ka ng bagong taong darating sa buhay mo.
Ang mahirap kasi kapag umasa ka sa isang tao, nagbibigay ka ng sarili mong balakid sa buhay, tipong nag aassume ka na meron pa. Minsan dapat tinatanong mo ang sarili mo kung may binigay ba siyang motibo para umasa? O kaya naman kaya mo ba nasabi yun dahil sa mga effort na naibigay mo? Sa tingin mo ba talaga siya yung nagpapa-asa? O sadyang ikaw lang yung umaasa? Yung wala siyang ideya sa mga bagay na gusto mong mangyari. Minsan ganyan talaga ang buhay eh, minsan unfair, minsan fair. Pero dahil nga sa lagi kang umaasa, naiisip mo ang buhay eh madaya sayo.
Pero hindi mo namamalayan, na napakaraming dumarating sa buhay mo na magaganda na hindi mo napapansin dahil nga sa nakagapos ka sa salitang “umaasa ka pa sa isang tao”. Kaya kapag naisip mong lumayo sa taong inaasahan mo. Huwag ka ng lilingon sa nakaraan. Dirediretso lang at makikita mo rin ang kasiyahan na hinahanap mo. Ngiti lang :) Makakayanan mo rin ang lahat ng yan.
(Source: matabangutak)
Para sa mga torpe.
Kapag torpe ka. You have to take risks. Walang mangyayari kung hindi ka gagalaw. At least kapag ginawan mo ng aksyon yan malalaman mo ang sagot. Kesa naman sa patuloy kang nanahimik na naghihintay ng sagot. Paano mo malalaman ang sagot? Kung wala ka namang ginagawa? Sabihin mo man o hindi, kung hindi naman talaga para sayo ang isang tao. Iisa lang naman ang sagot nito hindi ba? Wag mapapanghinaan ng loob. Subok lang ng subok. Palagi ko ngang sinasabi na
“Hindi porket tumaya sa lotto eh mananalo na “.
Sabay lang ng sabay sa agos ng buhay. Malay mo makuha mo yung jackpot mong hinihintay.
(Source: matabangutak)
Ang hirap kapag nasanay na maging Single yung isang taong papasok sa relasyon.
Alam mo yung pakiramdam na dati sobrang hawak mo ang oras mo, yung pakiramdam na baka manibago ka kasi may tao ng maghahanap or magdedeman ng oras sayo. Ito ang ayaw maramdaman ng mga taong single eh, yung na enjoy nila ng husto yung single life nila kaya yung pumasok na sila sa relasyon eh ramdam nila nasasakal sila kahit hindi naman.
Eh masisisi mo ba yung mga single? eh syempre gagawa at gagawa ng paraan yan para sumaya, tipong stay put lang sila sa buhay habang nag-aabang ng taong magmamahal sa kanila.
Dati nakakapagpuyat ka, ngayong papasok ka sa relasyon asahan mong may susuyuin ka na kapag nagpuyat ka pa. Kasi magagalit yan at mahuhuli na hindi ka pa pala natutulog. Mapwepwersa kang sumunod dahil takot kang mawala siya sayo.
Basta, sobrang life changing ang magkaroon ng relasyon, lalo na kung sa sarili mo eh gusto mo na talagang i commit na “siya na talaga”. So magpapakaloyal ka, maraming mababago sa daily routines mo. Hahawakan mo na ulit cellphone mo, magpapaload ka na ulet, may kausap ka na lagi sa telepono. Hindi na uubra yung aalis ka na hindi magpapaalam. Kailangan muna lagi sasabihin mo sa karelasyon mo mga lakad mo.
Basta, kaya dapat nag-iisip isip ka. Once na pumasok ka sa relasyon, ilan yan sa mga dapat tatandaan mo.
(Source: matabangutak)
Alam mo bang mahal kita? Hindi siguro.
Hindi ko naman kasi sinasabi sayo na gusto kita, hindi ko rin naman sayo sinasabi na mahal din kita. Sinusubukan ko iparamdam sayo na mahalaga at importante ka sakin pero walang wala pa rin talaga ako sayo. Hindi ko nga alam kung may ideya ka eh, o kaya naman taken for granted mo lang yung nararamdaman ko. Normal naman yun eh, nangyayari talaga sa buhay ng tao yun. Nakakalungkot nga lang, sayo ko pa naranasan yung mga bagay na yun. Doon pa sa taong inaasahan kong magmamahal sakin ng totoo.
Hindi ko alam kailan ko papalayain ang sarili ko sa kasakiman kong ito, enjoy akong nagmamahal eh. Enjoy akong minamahal ka, sabi nga nila kapag na eenjoy mo ang isang bagay, hindi mo namamalayan ang oras diba? Siguro nga kaya hanggang ngayon mahal kita sa tagal na ng panahon. Siguro masasabi kong tunay to kasi kahit hindi mo napapansin tuloy ko pa ring ginagawa ang pagmamahal sayo. Tanga na kung tanga, sa nagmamahal talaga ako eh diba? Kesa naman pilitin kong mahalin yung mga taong nagmamahal sakin, sa huli ako pa lalabas na masama. Parang sila yung “ako” sayo. Mas pinili kong huwag silang pansinin. Kasi nga tulad mo, may mahal ka ring iba.
Mamahalin kita hanggang sa makakaya ko. At sa oras na mawala na ako sa buhay mo, ibig sabihin nun napagod na ako. Ako na ang lalayo, maghahanap ng bagong taong mamahalin. Ganun ang buhay eh. Pag hindi ka sniwerte sa isang bagay, subukan mo naman sa ibang bagay.
Nagmamahal,
Tao sa tabi tabi.
(Source: matabangutak)
